Haiku na Tula na May Iisang Diwa 01
Halimbawa ng Mahabang Haiku na may Pito (7) Taludtod
Mag-ingat
ni: Haiku Melendez
Maging mautak
Sa daang tinatahak,
Tingnan ang lubak.
‘Pagkat marami
Itong nagkukunwari,
Tila mabuti.
Ngunit ang tunay
Ay masama ang kulay,
Linta at anay.
Sisirain ka,
Saka sisipsipin pa,
Lakas at sigla!
Kaya’t mag-ingat,
Dapat ay laging mulat,
Huwag lumingat!
Ang piliin mo.
Ay yaong may respeto
Sa mga tao.
At may paggalang,
Sa lahat ng nilalang,
At sa Lumalang!
-haiku melendez 2012
Buong Tula na Haiku sa Tagalog
See Other Tagalog Haiku Poem ... Haiku 5-7-5 Filipino • Haiku Tungkol sa Kamatayan
0 comments:
Post a Comment