MABUHAY, Philippines! Welcome to Haiku in Tagalog website:
The Home of Tagalog Haiku Poems.
Feel free to browse the archive located at the sidebar.
Thank you. Enjoy your Stay!

Haiku Poems Kamatayan Page 1

Haiku Tagalog Poems

PAGE 1

PIYESTA
Bulate’t uod
Sa patay mabubusog
Kapag may tigok.

WALANG LIGTAS
Itong kamatayan
Darating kanino man,
Isang hangganan.

SAMANTALAHIN
Habang ‘di patay
Sa Diyos ialay
Isa mong buhay.

TINDERA
Magpatawad ka
Sa sala nitong iba
Habang buhay pa.

WALANG PASABI
Kamatayang bigla
Ng bata o matanda
Ay parang bula.

ALAS-KUWATRO
Dagling kamatayan,
Ay hangin ang kapisan
Luksong kawalan!

BORED
Kung mamatay na
Lagi nang nakahiga
Walang magawa.

KATAPUSAN
Di mapipigil
Kung Diyos ang kumitil
Sa buhay-linsil.

TULDOK NA
Tinutuldukan,
Kung puro kasamaan
Buhay na hiram.

KABILANG BUHAY
Paghandaan mo
Itong iyong pagtungo
Sa ibang mundo.

Haiku 5-7-5 Filipino Bugso 1
5 Halimbawa ng Tagalog Haiku 2
Filipino Haiku Example 1

1 comments:

Unknown April 16, 2013 at 2:39 PM  

sa pagkakaalam ko po ay walag rhymes ang haiku?

Post a Comment

We also accept violent reactions!

Haiku in Tagalog | Filipino Haiku. Powered by Blogger.

  © Blogger template AutumnFall by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP