Filipino Haiku Example 1
Pag-aasawa
-
Iyong galangin
Ang asawa ay yakapin
Huwag bugbugin.
-
Huwag nang buksan,
Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.
-
Planong pamilya
Ay dapat ginagawa
Ng mag-asawa.
-
Huwag ipilit
Na bumili ng gamit
Kung nagigipit.
-
Ngayo’y magsikap
Magtrabaho’t magbanat
Para sa anak.
-
Gabi’t umaga
Mahalin ang asawa
Huwag ang iba.
-
Ang asawa mo
Kasama hanggang dulo
Kahit sa gulo.
-
Ngiti at halik
At yakap na mahigpit.
Ang aking langit.
-
Diwa ng kasal
Kailangang tumagal
Sa minamahal.
-
Ang asawa mo
Ibigin ng pareho
Sa sarili mo.
Haiku in Tagalog July 2011
0 comments:
Post a Comment