Haiku 5-7-5 Filipino na may Tugma
Filipino Haiku
PAGE 1
-
Bangis ng mundo
At pagsubok sa iyo
‘Wag magpatalo.
-
Oras ay ginto,
Pahahalagahan ko,
Hanggang pagyao.
-
Aking nakita,
Ang bata ay sumaya,
Nang makita ka.
-
Buhay ng tao
Ay parang sa tsubibo
Nagsisisirko.
-
Magpakabuti
Ilagay ang sarili
Sa tamang muni.
-
Maging magalang
Sa kapwa at magulang
At sa Lumalang.
-
Ang isang ngiti
Panlaban sa pighati
Ng mundong imbi.
-
Pagsisikap mo,
Sa tuwina’y may premyo
Galing sa Berbo.
-
Mga pagsubok
Dagliang matatapos
Sa tulong ng D’yos.
-
Huwag balikan
Ang mga nakaraan
Bukas ang tingnan.
Filipino Haiku 2011
0 comments:
Post a Comment