MABUHAY, Philippines! Welcome to Haiku in Tagalog website:
The Home of Tagalog Haiku Poems.
Feel free to browse the archive located at the sidebar.
Thank you. Enjoy your Stay!

Halimbawa ng Tanaga Part 1

LIMANG (5) Halimbawa ng mga Tulang May Pitong Pantig at apat na taludtod - Tanaga

1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

---haiku in tagalog 2012

tags: tagalog tanaga, tulang tanaga, ano ang uri ng tulang tanaga, Philippines tanaga, 7777 uri ng tula, haiku apat na taludtod, may sukat at tugma, tanaga sa Filipino, tungkol sa pag-ibig, kalikasan.

Read more...
Haiku in Tagalog | Filipino Haiku. Powered by Blogger.

  © Blogger template AutumnFall by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP