MABUHAY, Philippines! Welcome to Haiku in Tagalog website:
The Home of Tagalog Haiku Poems.
Feel free to browse the archive located at the sidebar.
Thank you. Enjoy your Stay!

Halimbawa ng Tanaga Part 1

LIMANG (5) Halimbawa ng mga Tulang May Pitong Pantig at apat na taludtod - Tanaga

1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

---haiku in tagalog 2012

tags: tagalog tanaga, tulang tanaga, ano ang uri ng tulang tanaga, Philippines tanaga, 7777 uri ng tula, haiku apat na taludtod, may sukat at tugma, tanaga sa Filipino, tungkol sa pag-ibig, kalikasan.

Read more...

Examples of Haiku in Tagalog Page 1 Kaibigan

Sample ng Tagalog Haiku Tungkol sa Kaibigan

TAPAT DAPAT
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.

PILIIN
Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam.

LAHAT NG ORAS
Ang kaibigan,
Iyong maaasahan
Sa kagipitan.

HUWAG BALASUBAS
Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan,
‘Wag kalimutan.

HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.

HAIKU
Itinuring ko,
Kaibigang totoo,
Ang tulang haiku.

BALATKAYO
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.

TUNAY
Tunay na diwa,
Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.

ILIGTAS
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,
Aking katoto.

PINAKA
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!

tags: tagalog haiku, haiku tanaga, halimbawa ng 5-7-5 na tula, sukat at tugma, haiku in Filipino, haiku Philippines, tulang maikli, tanaga at dalit, ano ang haiku, ano ang tanaga, ano ang dalit, magbigay ng haiku.

Read more...

Haiku na Tula na May Iisang Diwa 01

Halimbawa ng Mahabang Haiku na may Pito (7) Taludtod

Mag-ingat
ni: Haiku Melendez

Maging mautak
Sa daang tinatahak,
Tingnan ang lubak.

‘Pagkat marami
Itong nagkukunwari,
Tila mabuti.

Ngunit ang tunay
Ay masama ang kulay,
Linta at anay.

Sisirain ka,
Saka sisipsipin pa,
Lakas at sigla!

Kaya’t mag-ingat,
Dapat ay laging mulat,
Huwag lumingat!

Ang piliin mo.
Ay yaong may respeto
Sa mga tao.

At may paggalang,
Sa lahat ng nilalang,
At sa Lumalang!

-haiku melendez 2012

Buong Tula na Haiku sa Tagalog

See Other Tagalog Haiku Poem ... Haiku 5-7-5 Filipino • Haiku Tungkol sa Kamatayan

Read more...
Haiku in Tagalog | Filipino Haiku. Powered by Blogger.

  © Blogger template AutumnFall by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP