MABUHAY, Philippines! Welcome to Haiku in Tagalog website:
The Home of Tagalog Haiku Poems.
Feel free to browse the archive located at the sidebar.
Thank you. Enjoy your Stay!

Haiku Poems Kamatayan Page 1

Haiku Tagalog Poems

PAGE 1

PIYESTA
Bulate’t uod
Sa patay mabubusog
Kapag may tigok.

WALANG LIGTAS
Itong kamatayan
Darating kanino man,
Isang hangganan.

SAMANTALAHIN
Habang ‘di patay
Sa Diyos ialay
Isa mong buhay.

TINDERA
Magpatawad ka
Sa sala nitong iba
Habang buhay pa.

WALANG PASABI
Kamatayang bigla
Ng bata o matanda
Ay parang bula.

ALAS-KUWATRO
Dagling kamatayan,
Ay hangin ang kapisan
Luksong kawalan!

BORED
Kung mamatay na
Lagi nang nakahiga
Walang magawa.

KATAPUSAN
Di mapipigil
Kung Diyos ang kumitil
Sa buhay-linsil.

TULDOK NA
Tinutuldukan,
Kung puro kasamaan
Buhay na hiram.

KABILANG BUHAY
Paghandaan mo
Itong iyong pagtungo
Sa ibang mundo.

Haiku 5-7-5 Filipino Bugso 1
5 Halimbawa ng Tagalog Haiku 2
Filipino Haiku Example 1

Read more...

Haiku 5-7-5 Filipino na may Tugma

Filipino Haiku
PAGE 1

-
Bangis ng mundo
At pagsubok sa iyo
‘Wag magpatalo.

-
Oras ay ginto,
Pahahalagahan ko,
Hanggang pagyao.

-
Aking nakita,
Ang bata ay sumaya,
Nang makita ka.

-
Buhay ng tao
Ay parang sa tsubibo
Nagsisisirko.

-
Magpakabuti
Ilagay ang sarili
Sa tamang muni.

-
Maging magalang
Sa kapwa at magulang
At sa Lumalang.

-
Ang isang ngiti
Panlaban sa pighati
Ng mundong imbi.

-
Pagsisikap mo,
Sa tuwina’y may premyo
Galing sa Berbo.

-
Mga pagsubok
Dagliang matatapos
Sa tulong ng D’yos.

-
Huwag balikan
Ang mga nakaraan
Bukas ang tingnan.

Filipino Haiku 2011

Read more...

5 Halimbawa ng Tagalog Haiku 02

Haiku in Tagalog - Mga Halimbawa

PAGE 2


1
Baliw sa haiku
Tuloy lang sa pagbuo
Hanggang maluko.

2
Gabing madilim,
Kulay ay inilihim,
Kundi ang itim.

3
Masamang tao
Darating ang wakas mo
Sa impiyerno.

4
Magdasal ngayon
Sa ating PANGINOON
Upang maglaon.

5
PANGINOON ko
Patawarin mo ako
Ako’y iwasto.

Haiku in Tagalog July 2011

Read more...

Filipino Haiku Example 1

Pag-aasawa

-
Iyong galangin
Ang asawa ay yakapin
Huwag bugbugin.

-
Huwag nang buksan,
Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.

-
Planong pamilya
Ay dapat ginagawa
Ng mag-asawa.

-
Huwag ipilit
Na bumili ng gamit
Kung nagigipit.

-
Ngayo’y magsikap
Magtrabaho’t magbanat
Para sa anak.

-
Gabi’t umaga
Mahalin ang asawa
Huwag ang iba.

-
Ang asawa mo
Kasama hanggang dulo
Kahit sa gulo.

-
Ngiti at halik
At yakap na mahigpit.
Ang aking langit.

-
Diwa ng kasal
Kailangang tumagal
Sa minamahal.

-
Ang asawa mo
Ibigin ng pareho
Sa sarili mo.

Haiku in Tagalog July 2011

Read more...

Tagalog Haiku Page 1 Pag-ibig

Tagalog Haiku Page 1 Pag-ibig (Love)

-
Nakakakilig
Kung ika’y umiibig
Sarap sa dibdib.

-
Sama ng loob,
Mahirap na magamot
Kung walang irog.

-
Mahaling tunay,
Kasintahan sa buhay,
Lahat ialay.

-
Masakit nga ba
Kung mahal ay nawala
Na parang bula?

-
Mahal na kita
Sa unang pagkikita
Pakakasalan ka.

-
Ang aking puso,
Sa iyo nakaturo,
Hanggang sa dulo.

-
Sagutin ako
Ng matamis mong oo,
Tiyak sisirko.

-
Kapag nakita
Na may kasamang iba
Nagseselos na.

-
Walang kapalit,
Sa puso nakaukit
Lahat ng saglit.

-
Kahit bumagyo,
O lindol at delubyo,
Narito ako.

Haiku in Tagalog July 2011

Read more...

Haiku in Tagalog | Page 2 | Diyos

Halimbawa ng Haiku sa Tagalog Tungkol sa Diyos
-
Tumingala ka
Sa Taas at BATHALA
Nang guminhawa.

-
SIYA’y tutugon,
Gising ang PANGINOON
Para tumulong.

-
Huwag gumawa,
Ng lilo at masama,
Nang ipag-adya.

-
Itong si JESUS,
Na sa ati’y tumubos
Anak ng DIYOS.

-
Magsising ganap,
At ikaw ay tatanggap
Magiging dapat.

Haiku in Tagalog July 2011

Read more...

5 Halimbawa ng Tagalog Haiku 01

Haiku in Tagalog - Mga Halimbawa

PAGE 1

1
May bagyo ngayon
Masama ang panahon
Baha sa silong.

2
Kaarawan mo,
A-nuwebe ng Hulyo
Blow-out mo ako.

3
Maga ang mukha
Binugbog ng asawa
Black eye sa mata.

4
Ang emperador
Kasama ng tomador,
Sa puting bapor.

5
Pag-ibig mo lang,
Ang aking kailangan,
Upang lumaban.

5 Halimbawa ng Tagalog Haiku 01

Read more...
Haiku in Tagalog | Filipino Haiku. Powered by Blogger.

  © Blogger template AutumnFall by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP